DA-ATI Bicol Isinagawa ang mga Pagsasanay sa DFP

Fri, 06/24/2022 - 15:51

DFP-Training (2).jpg

Limampung (50) kalahok mula sa iba’t ibang bayan at Learning Sites for Agriculture (LSAs) ng Camarines Sur, Camarines Norte at Albay ang nagtapos ng pagsasanay tungkol sa Digital Farmers Program (DFP). Apatnapong (40) mga kalahok nito ay Agricultural Extension Workers (AEWs) samantalang sampo (10) naman ay mga magsasakang namumuno ng mga organisasyon at LSAs.

Isinagawa sa dalawang (2) pangkat ng mga kalahok, ang pagsasanay ay naganap sa pakikipagtulungan ng Digital Agriculture and Innovation Center ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA).

Ang unang batch ay isinagawa noong ika-24 hanggang ika-26 ng Mayo sa ATI Bicol sa Pili, Camarines Sur habang ang ikalawang batch ay ginanap noong ika-21 hanggang ika-23 ng Hunyo sa Prime Suite Hotel, Daet, Camarines Norte. Para sa hands-on ng mga kalahok, ginamit ang sampong (10) pirasong smartphones mula sa ATI na naglalaman ng iba’t ibang Agricultural at Marketing Apps.

Nagsilbing tagapagsalita si Karlos Miguel Haber, Information Technology expert ng CBSUA, tungkol sa paggamit ng internet at GPS Field Area Measure. Tinalakay nina Engr. Kristine Olila, Agriculturist II ng DA-ATI Bicol, at Rona Dollentas, Supervising Science Research Specialist ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) Bicol, ang iba’t-ibang Agricultural Apps na makakatulong sa mga magsasaka. Karamihan sa mga agri apps ay binalangkas ng PhilRice.

Sina Michael Villezar, Isagani Valenzuela Jr., at Christian Tosoc ng DA-ATI Bicol ay nagturo tungkol sa smartphone, paggamit ng social media, mga apps tulad ng Payong PAGASA, QR Code Technology, Rice Crop Manager, at eLearning. Kabilang din sa pagsasanay ang talakayang ibinahagi ni Danico Canave tungkol sa paggawa ng online poster, maging ang paggamit ng iba’t ibang e-commerce platforms at online transactions/payments tulad ng PayMaya at GCash.

Ang DFP ay itinataguyod ng DA-ATI at Smart Communications upang makapagsanay ng mga AEWs at farmer leaders tungkol sa digital farming. Ang mga AEWs at farmer leaders ang magiging katuwang upang matulungan ang mga magsasaka na ma-access ang mga impormasyong kailangan upang makagawa ng mas mahusay na desisyonsa pagsasaka.

Layon ng DFP na pagbutihin ang mga kahusayan at kasanayan sa paggamit ang digital technology, at palawakin ang oportunidad para sa mga magsasaka upang maibenta nila ang kani-kanilang ani sa paraang mas maayos at mas makatutulong sa kanilang kabuhayan.

article-seo
bad