10 Araw na Intensive Training ng SLTOT on ICM in Vegetable Production, nagtapos na; 49 araw pang pagsasanay, susunod na.

Thu, 07/07/2022 - 08:32

SLTOT-on-ICM-on-Vagetable-production (1).jpg

 

PILI, Camarines Sur - Pagkatapos ng 10 araw o dalawang linggo, nagwakas na ang unang bahagi ng Season-Long Training on ICM in Vegetable Production.

Dalawampu’t-pitong (27) kalahok na galing sa anim na probinsya ng Bikol at opisina ng DA-ATI Bicol ang matagumpay na naitawid ang pagsasanay. Sila ay nabahagihan ng karunungan galing sa sampong modyuls gaya ng transformational leadership & team-building; vegetable farming as a business; climate change; crop establishment; cultural management; agro-ecological system analysis; integrated nutrient management; integrated pest management and disease control; at integrated crop management practices.

Ang mga kaalaman ay ipinamahagi ng mga facilitators na sila Marilene Dimaculangan ng DA-RFO 5, Kathrene Joyce Sabilala ng LGU-Buhi, Sienna Sombrero ng LGU-Tigaon, Alvin Alvaro ng LGU Naga at Engr. Rommel Nacario ng LGU Pili. May mga nakasama ding resource persons gaya nila Renato Acacio at Aileen Babilonia ng DA-RFO 5; at sa ATI din na sina Jobenel Dela Torre, Justine Rose C. Tubig at Edgardo C. Nacario na siya ring tagapamahala ng TOT.

Hindi lamang lectures. May field work na din.

Sila ay inihati sa limang grupo ayon sa mga gulay na kanilang itatanim, aalagaan, aanihin at ibebenta. Ito ay ang talong, sili, sitaw, ampalaya at kamatis. Nabigyan na sila ng mga lupang tatamnan. Nagtanim na rin sila sa seeding tray. Nilinis ang kanilang plot. Gumawa na rin sila ng soil analysis.

Ang mga natutunan sa loob at labas ng classroom ay ipapamahagi sa mga piling magsasaka sa limang barangay sa Bayan ng Pili at Lalawigan ng Naga. Ito ang Barangay Curry, Barangay Bagong Sirang at Barangay Tinangis sa Pili; at ang Barangay Pacol at Barangay Cararayan sa Naga.

Kaya ang mga participants mismo ay dinalaw ang lahat ng mga nasabing barangay para mag-courtesy call sa mga Punong Barangay at mga opisyal nito, makita ang bukirin at makilala ang mga magsasaka.

Kinalaunan, itinakda na sa bawat grupo ang barangay na pagsisilbihan. Kung kaya ang bawat grupo’y bumista muli para kapanayamin ang bawat magsasaka o ang tinatawag na benchmarking o baseline survey. Ang bawat grupo ay tinakda ding facilitator para gumabay sa kanila.

Ang pagtuturo sa mga magsasaka ay tatawaging Farmers Field School (FFS) na naglalayong mabigyan sila karunungan sa mga bagong teknolohiya para mapataas ang kanilang ani at kita. Ito ay gagawin sa mahigit tatlong buwan.

Maliban dito, gagawa din sila ng pag-susuri sa kanilang mga tanim gamit ang organic fertilizer, synthetic fertilizer at balanced fertilization.

Ito ang kanilang gagawin sa loob ng 15 linggo o 49 araw bago sila magtapos sa kalagitnaan ng Oktobre ngayong taon.

article-seo
bad