Thu, 09/28/2023 - 10:56

384519159_829405538881999_8157917739263364062_n.jpg

 

Masayang ipinakita ng mga nagsipagtapos ang kanilang certificate of completion kasama si ATI Bicol Center Director Elsa Parot (ikalima sa unahan mula sa kaliwa).

RAGAY, Camarines Sur- Kasunod nang pamimigay sa kanila ng 21 baka na ginawa mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang nakaraang Septyembre 23 sa Nabua Camarines, karamihan sa miyembro ng Catabangan Agrarian Reform Cooperative o CARCO ang nagtapos sa ‘I-Cow at A-Coco: Farmers Training on Dairy Operations for Cattle’ na naglalayong paigtingin ang kanilang kaalaman sa pag-aalaga ng mga gatasang para madagdagan ang kanilang kita at maparami ang suplay ng gatas sa komunidad.

Ang pagsasanay ay bahagi ng Coconut Farmers and Industry Developnment Plan o CFIDP na pinapangunahan ng Philippine Coconut Authority katuwang ang Agricultural Training Institute na isa sa mga ahensyang magbibigay ng pagsasanay at edukasyon sa mga magniniyog.

Si ATI Bicol Elsa Parot mismo ang nagbigay karangalan sa paggawad ng mga Certificate of Completion sa mga nagsitapos sa tatlong araw na pagsasanay. Naroon din sa okasyon si Konsehal Jayvee Alvarez na kumatawan sa lokal na pamahalaan ng Ragay.

Ang mga magnoniyog ay sinanay mismo ng mga tauhan ng PCA at Camarines Provincial Agriculture Office na mga nagsipagtapos din sa naunang kahalintulad na pagsasanay. Sila ay sina Jay Recamara, Mark Verdejo, Larry Laniog at Virgie Onquit.

Ang pagsasanay ay ginanap sa ARNZY Integrated Farm sa Brgy. GRS, Ragay, Cam Sur mula Septyembre 25 hanggang 27 ng kasalukuyabg taon. Ang ARNZY Integrated Farm ay Learning Site for Agriculture ng ATI.

Sa mga nagsipagtapos, Sala-MOO-t sa i-NIYOG lahat.

article-seo
bad