22 AEWs, Nagtapos sa RCMAS Training

Wed, 05/24/2023 - 16:27

 

 

DSC_0072a.jpg

Ang mga Agricultural Extension Worker kasama ang mga magsasaka na binigyan nila ng isang pahinang rekomendasyon hatid ng Rice Crop Manager.

MAGARAO, Camarines Sur- Dalawampo’t dalawang Agricultural Extension Worker mula sa anim na probinsya ng Bicol ang nagtapos sa apat na araw na pagsasanay tungkol sa Rice Crop Manager Advisory Service. Ang RCMAS ay isang  digital agriculture application na nagbibigay sa mga magsasaka ng naangkop na rekomendasyon para sa tamang pangangalaga ng nutrisyon ng kanilang palayan  para tumaas ang kanilang ani at kita.

Ang pagsasanay na tinawag na “Raise the Rice! RCMAS for FITS Center Staff, ay naglalayong paigitingan ang kaalaman at kakayahan ng mga AEW ng mga lokal na pamahalaan na may FITS Center o Farmers Information and Technology Service Center.

Sa apat na araw, tinuruan silang gamitin ang RCM gamit ang mga gadget gaya ng smartphone, laptop at geotagging device. Sinanay sila tungkol sa mga feature nito gaya ng user registration, farmer and farm lot registration, farm lot measurement at seasonal farmer interview. Ginabayan din sila sa tamang pagsukat ng lupa gamit ang geotagging device at pagkuha ng isang-pahinang rekomendasyon na ipapamahagi sa mga magsasaka na nagtataglay ng mga payo tungkol sa tamang panahon, tamang dami at tamang pagkukunan ng nutrisyon sa kanilang palayan.

Para maisakatuparan ang kanilang mga natutunan, ang mga nagsasanay ay nagkaroon ng aktwal na pakikipag-ugnayan sa mga magsasaka kung saan sinukat nila ang mga lupain nito at bingyang ng  isang-pahinang rekomendasyon.

Ang pagsananay ay ginanap nang nakaraang May 16-19, 2023 sa Sonrisa Farm, Magarao, Camarines Sur. Ang Sonrisa Farm ay isang Learning Site for Agriculture ng ATI.

article-seo
bad