Sat, 08/03/2024 - 11:41

453775138_1053236936419163_5604748734934926113_n.jpg

PILI, Camarines Sur — "Panatilihin niyo'ng Maliwanag at Umaalab ang inyong mga Tanglaw."

Ito ang mensahe ni ATI Bicol Director Elsa Parot sa 25 Organic Agriculture (OA) scholars at tatlong farm partners na nagsipagtapos sa tatlong araw na ‘Training on Drafting the Business/Enterprise Proposal’ na ginanap sa Dolores Hall ng ATI Bicol sa Pili, Camarines noong nakaraang Hulyo 29-31, 2024.

Pangunahing layunin ng pagsasanay ang mapahusay ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagnenegosyo at pamamahala sa kanilang mga sakahan na naaayon sa organikong pagsasaka at makagawa ng panukalang pangnegosyo. Ang pagsasanay ay ginanap sa ilalim ng programang Organic Agriculture.

Hinimok din ni Director Parot ang mga iskolar na siguraduhing maging ‘profitable’ at ‘bankable’ ang kanilang mga sakahan.

Sa inyong lahat, ang aming taos-pusong pagbati!

article-seo
bad