27 AEWs Nagtapos sa SL-TOT on Corn Production; 133 Magsasaka, Nagtapos Din sa FFS

Wed, 10/11/2023 - 10:34

PILI, Camarines Sur- Pagkalipas ng apat na buwang Season-Long Training of Trainers (SL-TOT) on Corn Production Technology, matagumpay na nagtapos ang 27 Agricultural Extension Workers sa ginanap na graduation ceremony sa ATI Bicol compound sa Pili, Camarines Sur nang nakaraang Oktobre 6. Kasama nila ang 133 magsasaka na kanilang sinanay sa ilalim ng Farmers’ Field School (FFS).

Ang 27 AEW mula sa anim na probinsya ng Bicol ay binigyang kaalaman at kasanayan mula sa pagtanim ng mais hanggang sa pag ani nito. Maliban dito, hinati sila at itinalaga sa limang barangay sa Lungsod ng Naga at Bayan ng Pili kung saan nagsagawa sila ng FFS. Ang bawat FFS ay kinabibilangan ng hindi babaang 26 na magsasaka. Itinuturo nila dito ang kanilang mga natutunan sa pagsasanay. Dagdag pa dito, nagkaroon din sila ng pagbisita sa mga iba’t ibang sakahan ng mais sa mga lalalwigan ng Cebu at Bohol.

Si ATI Bicol Center Director ang nanguna sa makulay na graduation ceremony. Kasama nya rito si Ginoong Marcial Bustarga ng Department of Agriculture-Regional Field Office V na kumatawan kay Regional Executive Director Rodel Tornilla. Naroon din si Camarines Norte Provincial Agriculturist Engr. Almirante Abad at ibang pang mga Municipal Agriculturist bilang pagsuporta sa kanilang mga graduate.

Kasama rin sa okasyon si ATI Bicol OIC Assitant Center Director Emmanuel Orogo at Agriculturist II at Corn Point Person Edgardo Nacario na siya ring Project Officer ng ika-11 batch ng SL-TOT. Katuwang din sa proyekto si Alexander Vargas, ang Alternate Corn Point Person at Technical Assistant Valourie Bañes.

Sa Si Bb. Ma. Teresa Curedo ng Buhi, Camarines Sur ang itinanghal na Class Valedictorian. 

Ang mga nagsipagtapos ay magagawaran ng 75 Continuing Professional Development points mula sa Professional Regulation Commission.

Ang SL-TOT ay ginanap magmula Mayo 22 hanggang Oktobre 6 nitong taon.

article-seo
bad