28 AEWs, Nagtapos sa Season-Long TOT on ICM in Vegetable Production

Tue, 10/18/2022 - 15:13

SL TOT Graduates.jpg

Ang mga graduates kasama ang mga facilitators at Training Management Team ng ATI.

SL TOT EAP.jpg

Si ATI Bicol Center Director Elsa Parot, hinikayat ang mga graduates na ibahagi ang mga natutunan.

SL TOT Valedictorian.jpg

Si Maria Nenita Cordova ng LGU- Calabanga, Camarines Sur, nagsalita matapos hirangin bilang valedictorian.

 

PILI, Camarines Sur- Dalawampo’t walong Agricultural Extension Worker ang nagsipagtapos sa Season-Long Training of Trainers on Integrated Corp Management in Vegetable Production.

Ang pagsasanay ay nag-unmpisa noong Hunyo 20 at nagtapos sa pamamagitan ng engrandeng graduation noong Oktubre 14 ng kasalukuyang taon na ginanap sa ATI compound sa Brgy. San Agustin, Pili, Camarines Sur.

Si ATI Bicol Center Director Elsa Parot na nagdeklara sa kanilang bilang graduate. “Matagal kayong nangalap ng karunungan. Panahon na para ipamahagi nyo ito,” ito ang naging hamon Director Parot na sinalin mula sa wikang Ingles.

Sa loob ng apat na buwan, ang mga nagsanay na nanggaling pa sa anim na probinsya ng Bikol, ay sumailalim ng mga kaalaman gaya ng crop establishment, cultural management, pest management and disease control, integrated nutrient management, agri-ecological system analysis, integrated crop management practices, harvesting and post-harvest handling, climate change, atbp.

Meron ding talakayan sa mga social technologies gaya ng transformational leadership,  entrepreneurship, value-adding, marketing, extension competency, extension project management, project planning and proposal writing, farm record keeping at financial literacy.

Kanila ring in-apply ang kanilang mga kaalaman sa pamamagitan ng pagtanim mismo ng gulay. Sila’y ihinati sa limang grupo ayon sa natatamnan. Ito ang talong, ampalaya, sili, kamatais at sitaw. May tatlong plot ng lupa na kanilang tinamnan gamit ang iba’t ibang klase ng nutrisyon. Gagawin nila ito ng pag-aaral na tinawag na Participatory Technology Demonstration o PTD.

At kanila ring ibinahagi ang kanilang mga natutunan sa mga magsasaka sa pamamagitan ng Farmers Field School o FFS. Binigyan ang bawat grupo ng mga piling barangay. Ito ang mga barangay ng Bagong Sirang, Curry at Tinangis sa Bayan ng Pili; at mga barangay ng Cararayan at Pacol ng Lungsod ng Naga.

Maliban sa mga nabanggit, gumawa din sila ng Barangay Development Plan. Sumailalim din sa micro-teaching. Ibinahagi din ang resulta bg kanilang PTD. Nagtayo din ang bawat grupo ng booth na nagtatampok ng kanilang mga pananim.

Para mas lumawak pa ang kanilang kaalaman at pananaw, binisita rin nila ang mga farm, processing plant at bagsakan center sa mga Rehiyon ng Calabarzon, Ilocos at Cordillera Admistrative Region (CAR).

Sa pagtatapos, hinirang na valedictorian si Maria Nenita M. Cordova ng LGU-Calabanga, Cam. Sur.

Si Jean Marlo M. Medes ng LGU-Guinobatan, Albay naman ang salutatorian.

Ang iba pang naging topnotcher ayon sa pagkasunod-sunod ay sina

  • Engr. Jay Q. Canaria- OPAG Cam. Norte
  •  Engr. Ailine M. Llagas- LGU-Daraga, Albay
  •  Raymod E. Jubilo-  LGU-Sipocot, Cam. Sur
  • Karen B. Antuerpia-  LGU-Matnog, Sorsogon
  •  Angelica Z. Canaria-  LGU-Basud, Cam. Norte.

Ang mga iba pang nagsipagtapos ay sina:

  • Jinky E. Bisenio- LGU-Baao, Camarines Sur
  • John Paul A. Bongalon- LGU-Tabaco City, Albay
  • Maria Teresa B. Bracia- OPAG, Camarines Sur
  • Jayson V. Capistrano- LGU-Bagamanoc, Catanduanes
  • Maricel  C. Copino- LGU-Tiwi, Albay
  • Jackelou D. Danao- LGU-Masbate City, Masbate
  • Engr. Cleolaine C. Garbo- LGU-Monreal, Masbate
  • Christine D. Labitag- LGU-Sorsogon City, Sorsogon
  • Hal I. Magdaong- LGU-Buhi, Camarines Sur
  • Rowena R. Martinez- LGU-Pamplona, Camarines Sur
  • Annie Jane S. Mondares- OPAG, Masbate
  • Karen Joy P. Morco- OPAG, Sorsogon
  • Roger T. Olesco- OPAG, Catanduanes
  • Christine L. Palad- OPAG, Camarines Norte
  • Joseph Micko B. Prieto- LGU-Virac, Catanduanes
  • Juan Paulo V. Soriao- OPAG, Catanduanes
  • Isagani C. Valenzuela, Jr.- ATI Bicol
  • Raissa B. Vargas- LGU-Ligao City, Albay
  • Dyana D. Villaflores- LGU-Paracale, Camarines Norte
  • Jasmin V. Villanueva- LGU-Ocampo, Camarines Sur
  • Edionito C. Ylaran- LGU-Cawayan, Masbate

Ang season-long training ay pinangunahan ng Dr. Joey Belarmino kasama sila Emmanuel Orogo, ATI Bicol HVCDP Focal person na sya ring project officer. Kasama rin si Robert Santos, ang Assistant HVCDP focal person at Shenna Naval, technical staff.

Si Edgardo Nacario, Agriculturist II ng ATI Bicol, ang lead facilitator. Katuwang nya sina Marilene Dimaculangan ng DA-RFO 5, Kathrene Joyce Sabilala ng LGU-Buhi, Sienna Sombrero ng LGU- Tigaon, Alvin Alvaro ng LGU-Naga at Engr. Rommel Nacario ng LGU- Pili.

Sa inyong lahat, congratulations!

article-seo
bad