36 Oras sa Bicol: Ang pagbisita nila ATI National Director Recoter, Assistant Director Arceo

Wed, 04/19/2023 - 14:13

339246853_251928050728190_3281357404531290322_n.jpg

Sina ATI National Director Remelyn Recoter at Assisitant Director Antonieta Arceo, sinalubong ng mga opisyal ng ATI Bicol sa pangunguna ni ATI Bicol Center Director Elsa Parot.

04.12.23 Laudatu Si Farm 3 of 5.jpg

Ang pakikipagpulong sa Laudatu Si Farm.

04.12.23 Laudatu Si Farm 4 of 5.jpg

Sa loob ng vertical/indoor crab facility  ng Laudato Si Farm

04.12.23 El Miro Del Shei Farm 1 of 3.jpg

Kasama ang mga kabataang nagsipagtapos sa El Miro De Shei Farm.

04.12.23 Nelly's Garden and Bee Farm 1 of 6.jpg

Tiningnan ang mga produkto ng Nelly’s Garden and Bee Farm.

04.13.23 Diesta Farm 1 of 4.jpg

Pagbibigay mensahe sa Diesta Farm.

IMG_7304.JPG

Pagpapasinaya ng oath-taking at induction ng mga Regional 4H Federation Officers.

IMG_7381.JPG

Ang pagtanggap ng Certificate of Accreditation ng ATIng UMA bilang Agri-Tourism Farm Site ng Department of Tourism.

IMG_7559.JPG

Meet and greet sa mga opisyal at kawani ng ATI Bicol.

04.13.23 SWAIB Launching 1 of 4.jpg

Ang turn-over ng SWAIB Project sa Pilar Mayor Carloyn Sy Reyes.

MOA Signing 5 of 7.jpg

Ang MOA signing sa DA-RFO 5 kasama si Regional Executive Director Rodel Tornilla.

BICOL- Kahit siksik sa mga aktibidad ang dalawang araw na pagbisita nila ATI National Director Remelyn Recoter at Assisitant Director Antonieta Arceo nang nakaraang Abril 12 at 13 ng kasalukuyang taon, hindi man lamang nakitaan ng pagod at kakulangan sa enerhiya ang dalawang pinakamataas na opisyal ng ATI.

Sa pambihirang pagkakataon, sila ay nagsama sa pinakatimog na bahagi ng Luzon na sa pambihirang pagkakataon ay kasalukuyan namang binabagyo sa panahon ng tag-init.

Sila ay sinalubong ng ATIBicol Center Director Elsa Parot kasama ang kanyang mga opisyal kagaya nila Assistant Center Director Vivien Carable, Information Section Chief Primalou Imperial, PASS OIC Chief Engr. Krisitine Olila, Training Specialist II at Admin Chief Melba Bonafe, HR Head at Accountant Nancy Anagao, Budget Unit Chief Joy Rodriguez, Dormitory Head Louiza Tena at iba pa.

Pagkalapag pa lamang ng sinakyang eroplano sa Bicol International Airport bago pa magbukang-liwayway, tumungo agad sila sa mga Learning Site. Ito ay ang El Miro De Shei Farm sa Camalig Albay;  Nelly’s Garden and Bee Farm sa Daraga, Albay at Laudato Si Farm, Sto. Domingo, Albay.

Kinahapunan, nagkaroon naman ng pagpirma ng memorandum of agreement (MOA) ang ATI at DA-RFO 5 para sa pagpapalawig ng papanatili ng ATI sa loteng pagma-mayari ng DA sa loob ng 25 taon. Sina Director Recoter at DA-RFO 5 Regional Executive Director Rodel Tornilla ang lumagda sa kasunduan. Ito’y ginananp sa lungsod ng Legazpi.

Pagkatapos nito bumiyahe naman sila ng halos dalawang oras papunta sa tanggapan ng ATI Bikol sa Bayan ng Pili, Camarines Sur.

Ilang minuto lamang ng pahinga pagkarating ay pinasinayahan naman ni Director Recoter ang oath-taking at induction ng mga Regional 4H Federation Officers sa ginaganap ng 4H Youth Camp. Pinuri naman ni Dir. Recoter ang mga kabataan sa kanilang dedikasyon at pagsusumikap na maitaas ang antas ng agrikultura sa bansa. Muli nyang hinakayat ang mga ito na ituloy ang himukin ang kapawa kabataan na umanib sa agrikultura.

Tumungo naman agad ito sa paglulunsad ng ATIng Uma ng ATI Bicol bilang Agri-Tourism Farm Site ng Department of Tourism. Pinuri nito ang center sa kanilang innovation at istratehiya nitong maibahagi ng aktwal ang mga teknolohiyang itinuturo nito sa kanilang mga kliyente.

Nagtapos naman ang gabi sa isang Meet and Greet na ginanap sa Sonrisa Farm, ang natatanging Extension Service Provider ng ATI Bicol. Maliban sa engrandeng handaan , nagkaroon dito ng turn-over ng deed ng donation ng sasakyan. Gayundin, ang oath-taking ni Emmanuel Orogo bilang bagong promoted na mamumuno ng Career Development at Management Section ng ATI Bicol.

Sa kanyang mensahe, muling hinimok ni Director Recoter ang mga opisyal at kawani ng ATI Bicol na patuloy na gumawa ng innovation at huwag magpakampante sa paglilingkod sa mamamayan. Sa kabilang banda, muling ipinaala-ala ni Assistant Director Arceo sa mga manggawa ang kahalagahan ng  core values ng ahensya na siyang dapat isapuso at isagawa ng mga ito.

Kinaumahagan, tumungo muli ang grupo sa lalawigan naman ng Sorsogon para sa turnover ng Upgraded Swine Artificial Insemination sa Barangay (SWAIB) Project sa Barangay Putiao sa Bayan ng Pilar. Ang alkalde mismo ng bayan na si Mayor Carloyn Sy Reyes kasama ang mga opisyal nito ang tumanggap sa proyekto.

Tinapos naman nila ang araw  sa pagbalik Albay para bisitahin ang Diesta Farm sa Bayan ng Giunobatan. Bago magtakip-silim, lumipad na sila pabalik ng Manila.

Tatlong lalawigan. Tatlong Learning Site. Isang ESP. Isang farm. Limang aktibidad sa loob ng 36 oras. Ngunit sa dalawang nangungunang lider ng ATI, sila’y nag-uumpisa pa lamang.

article-seo
bad