5 Miyembro ng 4-H, Nasa Taiwan Para 11-buwan na Internship

Mon, 08/15/2022 - 10:48

4H Taiwan.jpg

Ang limang miyembro ng 4-H na naging bahagi ng Filipino Young Farmers Internship Program in Taiwan.

Lumipad na patungong Taiwan ang limang kabataang Bikolano na bahagi ng 4-H. Sila ay bahagi ng pangalwang batch ng Filipino Young Farmers Internship Program in Taiwan o FYIPT.

Ang mga ito sila:

1.           Julius Atacador ng Palanas, Masbate

2.           Mark Dave Regalario ng Oas, Albay

3.           Mar Cecina ng Tigaon, Camarines Sur

4.           Dahrel Biand ng, Bula, Camarines Sur

5.           Danielle Henessy Morales ng Goa, Camarines

Ang programa ay kasunduan  sa pagitan ng Agricultural Training Institute Central Office,  Manila Economic and Cultural Office (MECO) at Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines (TECO) para sa pagpapadala ng mga kwalipikadong kabataang Pilipinong magsasaka sa Taiwan sa pamamagitan ng isang internship program. Layunin nito ang hubugin bumuo ang mga karapat-dapat na kabataang Pilipinong magsasaka na maging lider at mahusay na negosyanteng sa agrikultura.

Ang internship program ay binubuo ng paggtataguyod ng mga kasanayan at kaalaman sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga makabagong pamamaraan sa agrikultura at pangingisda, mga estratehiya at mekanismo sa marketing, pamamahala ng kooperatiba at pagpapahusay ng mga kakayahan, disiplina at values.

Ang limang kabataan ay sumailalim sa mga pangrehiyon at pambansang pagsusulit, interview, field validation, pagsusuring medikal at Pre-Departure Orientation Course bago sila natanggap sa programa. Sila ay magtatagal sa Taiwan ng 11 buwan.

Sainyo Julius, Mark Dave. Mar. Dahrel at Danielle, pabaon namin ang inyong tagumpay!

article-seo
bad