ATI Bicol, Nagbigay Saya sa Mga Mag-aaral ng Pili SPED Center

Wed, 12/20/2023 - 17:10

Thumbnail Outreach 2023.jpg

PILI, Camarines Sur- Bilang bahagi ng taonang outreach program ng ATI Bicol, pinili nitong handugan ng saya at pamasko ang mga mag-aaral sa ilaim ng Special Education Center ng Pili Central School.

Kasama ang mga tauhan ng ATI Bicol sa pangunguna ni Center Director Elsa Parot, mahigit 60 mag-aaral ang nabigyang handog at galak. Sa pamamagitan ng mga pabuya, palaro at munting salu-salo, nasilayan  sa mga mukha nila ang labis na tuwa, kasama ang kanilang mga magulang at guro.

Bilang regalo, hinadugan ng ATI Bicol ang bawat pamilya ng Noche Buena package. Hindi rin kinalimutan ang paaralan na hinandugan din ng mga educational material para makatulong sa edukasyon ng mga espesyal na kabataan.

article-seo
bad