Fri, 02/02/2024 - 20:48

420192813_935949138531463_4806831782234915685_n (1).jpg

Tinanggap ni ATI Bicol Center Director Elsa Parot ang mga  parangal mula kay ATI National Director Engr. Remelyn R. Recoter at Assistant National Director Antonieta J. Arceo.

418867250_708946571365381_4612103382444400491_n.jpg

Ipinakita nila Admin and Finance Unit, OIC-Chief Melba SM. Bonafe at Project Evaluation Officer I, Roberto B. Santos Jr. ang novelty check ng premyo nito.

DILIMAN, Quezon City- Muling kinilala ang ATI Bicol bilang isa sa mga ‘Best Performing Regional Training Centers’ sa buong bansa. Ito’y pagkatapos masungkit nito ang ikatlong pwesto sa ginawang awarding ceremony sa ginanap na 37th anniversary ng ATI sa Diliman, Quezon City nang nakaraang Pebrero 2 ng kasalukuyang taon. Dahil din sa tagumpay, ito’y tumanggap din ng Php150,000 na premyo.

Kung maaalala, ang ATI Bicol ang nanguna sa lahat ng 16 training centers sa nakalipas na dalawang taon.

Maliban dito, pinarangalan din ang ATI Bicol sa pagkakaroon nito ng ‘BEST INNOVATIVE PROJECT’ dahil sa natatangi nitong proyektong ATIng ‘Unlimited Mentoring in Agriculture’ o ATIng UMA. Ang UMA ay techno-demo site sa loob ng compound ng ATI Bicol na hinirang din bilang Agri-Tourism Site ng Department of Tourism.

Ang parangal ay tinanggap ni ATI Bicol Center Director Elsa Parot at iginawad mismo nina ATI National Director Engr. Remelyn R. Recoter at Assistant National Director Antonieta J. Arceo. Kasama ni Center Director Parot sa pagtanggap ng parangal sina Training Specialist II at Admin and Finance Unit, OIC-Chief Melba SM. Bonafe; Planning, Monitoring and Evaluation Unit OIC, Planning Officer II, Nida A. Hagos at Project Evaluation Officer I, Roberto B. Santos Jr.

article-seo
bad