Fri, 12/22/2023 - 09:31

Thumbnail Family Day 2023.jpg

PILI, Camarines Sur- Dahil mahal ng ATI Bicol ang kanyang mga empleyado, naglaan ito ng isang araw para sa mga kapamilya nito bilang pagpugay at pasasalamat sa kanilang suporta, pag-unawa at pagmamahal sa kanilang mga mahal sa buhay na nagsakripisyo ng oras sa kanila dahil sa serbisyo sa bayan.

Bitbit ang kanilang mga magulang, asawa, anak, kapatid at iba pang kamag-anak, sabay-sabay na ipinagdiwang ang pangalawang ‘Family Day’ na isinagawa sa mismong opisina nito sa Brgy. San Agustin, Pili, Camarines Sur.

Maliban sa mga masasarap na handa at hitik sa sayang mga palaro, inikot din ang mga kapamilya sa UMA, o Unlimited Mentoring in Agriculture, ang techno-demo site ng ATI Bicol na nagpapamalas ng iba’t ibang aspeto ng teknolohiya sa agrikultura. At para ipakilala ang agrikultura lalo na sa mga bata, aktwal silang nagpakain sa mga isda at mga koneho.

Ang ATI Bicol ay mayroong 60 kawani, kabilang ito ang mga permanent at kontraktwal na empleyado. Dahil sa kanilang dedikasyon, husay at sipag, itinanghal ang ATI Bicol bilang Best Center sa buong bansa sa loob ng dalawang sunod-sunod na taon.

article-seo
bad