DA-ATI Bicol, Ibinida ang UMA, LSA sa 2nd Bicol Tourism Expo!

Thu, 08/24/2023 - 15:22

368044772_988248439150440_975779427208382194_n.jpg

 

PILI, Camarines Sur- Dahil nga isang tourist destination na, pagsali ng ATI Bicol sa 2nd Bicol Tourism Expo, may ipagmamalaki na.

Kung maaalala, ang ATI Bicol ay hinirang na Agri-Tourism Farm Site ng Department of Tourism noong nakaraang Abril. Ang dahilan nito ay ang Unlimited Mentoring in Agriculture o UMA na  isang technology demonstration site sa loob ng ATI compound na nagpapakita ng mga teknolohiya sa uba’ibang larangan sa agrikultura. Ang  ‘uma’ ay salitang Bikol na ang ibig sabihin ay ‘bukirin.’

Ang mga ito ay ang:

•            UMA-Arangkada-  edible landscape

•            UMA-Aral- Kasaysayan ng ATI Bicol

•            UMA-Akit- Hardin

•            UMA-Ariba- Palayan.

•            UMA-AMaize- Maisan

•            UMA- Antay- Mini-forest

•            UMA-Alaga-  Hayupan

•            UMA-Antabay- Organic agriculture

•            UMA-Antig- Aquaponics

•            UMA-Angat-  High-value crops

•            UMA-Aksyon- Play area

•            UMA- ATIkabo- Sports area

Ang 2nd Bicol Tourism Expo ay pinapangunanhan ng Camarines Sur Chamber Of Commerce and Industry kasama ang Provincial Government ng Camarines Sur. Ang ATI Bicol ay isa mga katuwang sa taunang okasyong ito. Kasabay din sa okasyon ang 6th Food and Beverage Expo.

Sa menhase ni Center Director Elsa Parot na binasa ni OIC Emmanuel Orogo, sinabi nito ang karangalan ng ATI na maging bahagi muli ng Tourism at Food and Beverage Expo..

“Sa nakaraang dalawang taon, kaisa ng Camarines Sur Chamber of Commerce and Industry ang ATI Bicol sa layuning mabigyan ng oportunidad ang mga Bikolano na ibida ang natatanging produkto at serbisyo.

Ngayong taon, ipapakita ng mga nangungunang ATI-certified Learning Sites sa Camarines Sur ang kanilang masarap at masustansyang mga produkto. Ang mga ito ay tinatangkilik hindi lang ng mga Bicolano at mga Pilipino, kundi maging ng mga turista at dayuhan sa ibang bansa. Ang mga produktong ito ay pangunahing dahilan kung bakit tourism destinations na ang mga Learning Sites for Agriculture!”

Kasama ng ATI ang mga Learning Site for Agriculture gaya ng Vianni’s Farm and Resort, Pasto De Iriola Agri-Tourism and Family Farm, Carmel Farm, El Silvestre Integrated Farm, Salvador Emeteria Agri-Tourism Farmat Magel Golden Integrated Farm. Ibinibida nila ang kanilang mga prodkto gaya ng crispy pili, dragon fruit, bignay juice, bignay jam, passion fruit juice, passion fruit jam, pili candy, at iba pa.

Ang expo ay ginaganap sa Capitol Convention Center magmula Agosto 24 hanggang 27, 2023.

article-seo
bad