DA-ATI Bicol Inilunsad ang National Rice Awareness Month, Organic Agriculture Month

Fri, 11/04/2022 - 16:51

IMG_9703.JPG

 

PILI, Camarines Sur- Sa pamamagitan ng makulay na selebrasyon, magkasabay na inilunsad ng DA-ATI Bicol ang pagdiriwang ng National Rice Awareness Month  (NRAM) at 8th Organic Awareness Month para sa buwan ng Nobyembre.

Ang tema ng NRAM  at Be RICEponsible ABKD. Ang A ay kumakatawan sa Adlay, mais, saba, atbp. ay ihalo sa kanin; ang B at Brown rice ang kainin; K ay Kanin huwag sayangin; at D ay Dapat bigas ng Pilipinas ang bilhin.

IMG_9857.JPG

Sa Organic naman, ang tema ay ‘Maunlad na pagsasaka, garantisado sa Organikong Agrikulturang sinaliksik.”

Si ATI Bicol Center Director Elsa Parot ang nanguna sa paguumpisa ng dalawang mahalagang okasyon kasama ang mga kawani ng ahensya, mga opisyal ng DA-Regional Field Office 5 at lokal na pamahalaan ng Pili, Camarines Sur;  mga magsasaka at mga piling bisita.

Inumpisahan ang selebrasyon sa pamamagitan ng pagsasayaw ng Zumba na binansagang ‘Zumbigas.’ Sinundan ito ng santa misa na pinangunahan ni Fr. Rex Hidalgo.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Director Parot ang kahalagaan ng papel at sakripisyo ng mga magsasaka sa pang-araw araw na pangangailangan ng mga Pilipino.  Hinimok din nya ang mga ito na panatilihin ang pagmamahal sa kanilang Gawain.

IMG_0018.JPG

Sa hapon, nagkaraoon  ng pagtalakay tungkol sa organic and pigmented rice production na pinangasiwaan ni Dr. Carmelita Cervantes, ang may-ari ng Carmel Agri-Learning Farm, Inc. na isang organic farm at Learning Site for Agrculture ng ATI.

Pagkatapos, nagkaroon naman ng cooking show tungkol sa Bicol Delicacies na ipinakita nila Wilbina Barnedo at Ken Jose Penaserada na galing sa Food Laboratory ng DA-RFO 5.

article-seo
bad