DA-ATI Bicol at Munisipyo ng Basud, Nagsagawa ng RCM Briefing

Thu, 06/01/2023 - 21:09

 

Farmers Interview.jpg

Ang pakikipanayam sa mga magsasaka ng mga kawani ng Basug Municipal Agriculture Office.

 

MA Harry.jpg

Si Basud Municipal Agriculturist Harry James Felomino.

Group Photo.jpg

Ang mga magsasakang kasama sa Rice Crop Manager Briefing kasama ang mga tauhan ng Basud Municipal Agriculture Office at ATI Bicol.

BASUD, Camarines Norte- Dalawampu't isang magsasaka ng palay ng Basud, Camarines Norte ang nakiisa sa kauna-unahang pagsanib-pwersa ng ATI Bicol at Munisipyo ng Basud sa pagsagawa ng Rice Crop Manager Briefing na pinamagatang 'Payo sa Palay: Rice Crop Manager Briefing.'

Malugod na tinanggap ni Basud Municipal Agriculturist ang mga magsasaka at hinimok silang gamitin ang RCM sa kanilang pagsasaka. Tinalakay naman ni ATI Bicol RCM Coordinator Isagani Valenzuela Jr. ang mga tampok at benepisyo ng RCM. Samantala, pinangasiwaan naman ni Ms. Janice Villota, ang Municipal Agriculture Office Rice Focal Person at RCM Point Person, ang aktibidad kasama ang kanyang mga tauhan.

Dahil isinasaayos ang server ng RCM sa panahong ginawa ang aktibidad, ikinapanayam naman ang mga magsasaka gamit ang questionnaire. Ganun pa man, ang mga impormasyong nakalap ay ilalagay sa RCM website kapag gumagana na ang server.

Ang RCM ay isang web-based advisory service na nagbibigay ng siyentipikong  payo sa mga magsasaka ng tamang paglalagay ng nutrisyon sa kanilang tanim na palay. Ito ay bahagi na Rice Crop Manager Advisory Services na mga pinagsamang teknolohiya na naglalayong pataasin ang ani at kita ng mga magsasaka.

article-seo
bad