I-Cow at A-Coco Farmers’ Training sa Sorsogon, Mahigit 20 Magsasaka Nabiyayaan!

Fri, 09/22/2023 - 13:56

381164998_1469204533787502_6198218923232271019_n.jpg

Ipinakita ng mga nagsipagtapos, kasama ang training management staff,  ang kanilang mga certificate at gumawa ng  ‘C’  gamit ang mga kamay bilang simbolo ng unang letra ng mga salitang ‘Cow’ at ‘Coco.’

SORSOGON CITY, Sorsogon- Gumawa ng kasaysayan ang mahigit 20 magsasaka sa ginawang ‘I-Cow at A-Coco Farmers Training on Dairy Farm Operations for Cattle’ bilang kauna-unahang nagtapos sa nasabing pagsasanay. Ang pagsasanay ay isinagawa ng ATI Bicol sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Sorsogon, Department of Agriculture-Regional Field Office V (DA-RFO V) at ng Philippine Coconut Authority (PCA).

Ang ‘I-Cow at A-Coco Farmers Training’ ay kasunod ng naunang ‘I-Cow at A-Coco Farmers Training on Dairy Farm Operations for Cattle’ ng nakaraang Agosto na kung saan sinanay ang mahigit 30 mga tauhan ng Provincial Veterinary Office, Philippine Coconut Authority at iba mga lider ng asosyan at kooperatiba ng mga magsasaka. Ang mga nagtapos dito ay sya namang magsasanay sa mga magsasakang benepisyaryo ng cattle dispersal program ng National Dairy Authority (NDA) sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development Plan.

Mga 20 magsasaka ay galing sa limang asosyan ng mga mangno-niyog sa Bayan ng Juban, na unang mabibigyan ng mga gatasang baka ng NDA. Ang cattle dispersal program ay naglalayong madagdadagan ang kita ng mga magsasaka at para madagdagan din ang local na suplay ng gatas sa bansa.

Ang mga magsasaka’y sinanay na sa gayon makakuha ng sapat na kaalaman at kakayahan sa pag-aalaga ng mga gatasang baka. Inaasahan na kanila ring ibabahagi ang mga natutunan nila sa mga kapawa nila magsasaka.

Ang pagsasanay ay isinagawa sa Septyembre 19 hanggang 23 sa Sorsogon City.

Sa mga nagtapos at mga naging bahagi ng pagsasanay, Sala-MOO-t sa i-NIYOG lahat!

article-seo
bad