Limang Farmers’ Field School Ginaganap sa Cam. Sur

Thu, 07/28/2022 - 09:37
SLTOT FFS Site

 

PILI at NAGA CITY, Camarines Sur - Bilang bahagi ng Season-Long Training of Trainers on Integrated Crop Management of Vegetable Production, inilunsad na ang Farmers Field School sa limang barangay sa Lungsod ng Naga at bayan ng Pili sa Camarines Sur.

Ang limang pinaghating grupo galing sa 28 nagsasanay ng kasalukuyang TOT ang siyang nagangasiwa at nagtuturo sa mga magsasakang kasapi sa FFS. Ang kanilang mga natutunan ang kanilang ibabahagi sa kani-kanilang mga hawak na FFS na may kasaping  dalawampo’t limang (25) magsasaka.

Ang mga FFS ay ginaganap sa Brgy. Curry, Brgy. Bagong Sirang at Brgy. Tinangis sa Pili; at sa Brgy. Cararayan at Brgy. Pacol sa Naga.

Ang mga magsasaka ay tuturuan sa mga makabagong pamamaraan at teknolohiya sa pagtatanim ng gulay gaya ng sili, talong, ampalaya, kamatis at sitaw. At para sa gayun maiangat din ang kanilang kita, tuturuan din sila ng pamamahala ng kanilang gulayan gaya ng farming as a business, crop establishment, agro-ecological system analysis, community participatory rural appraisal, climate change, integrated crop management, harvesting and post-harvesting practices, marketing, recording keeping at financial literacy.

Ginaganap ang FFS tuwing Biyernes ng umaga. Ito ay nakatakdang magtapos sa Octobre 14 sa kasalukuyang taon.

article-seo
bad