PILI, Camarines Sur- Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng Mass Awarding ng Certificate of Learning Site for Agriculture (LSA) at pagpirma ng mga Memorandum of Agreement (MOA) sa mga partner na LSA sa isang okasyon.
Unang bahagi ang MOA ng ang pagpirma ng ATI at Sonrisa Farm para sa isang training grant. Kasama sa ginawang paglagda sina ATI Bicol Center Director Elsa Parot, OIC Assistant Center Director Dr. Emmanuel Orogo, at Accountant Alfrench Nisorrada. Si Lani Penas naman ang kumatawan sa Sonrisa, ang bukod tanging Extension Service Provider sa Bicol.
Sinundan ito MOA sa pagitan naman ng ATI Bicol at ng mga farm partners para sa Youth Internship Program for Young Corn Farmers. Ang mga Farm Partner ay ang Christian Farmers Training Center at Pasto de Iriola Training and Assessment Center Corporation. Sa ilaim ng programa, sasanayin nila ang mga piling batang iskolar sa loob ng tatlong buwan tungkol sa tama at makabagong pammaraan ng pagtatanim.
Pagkatapos nito ay ang paggawad ng Certificate of LSA at pagpirma ng MOA ng mga bagong hirang na mga LSA at ang mga magpapatuloy ng kanilang serbisyo. Sila ay ang mga sumusunod: SLTCFPDI Integrated Farm, Hills & Crags Leisure Hub, Gamboa’s Orchard, Ragay Coco Sentral, Bicolandia Organic Coco Farmers Agriculture Cooperative (BOCOFAC) Integrated Farm, Doeng & Din Integrated Farm, El- Silvestre Integrated Farm, Father and Son Training and Assessment Center Corp, TAMUCO Nature Farm, Sahlee’s Agricultural Farm, Retiro Family Farm Learning Site, Sula- Bariw Integrated Farm, Legazpi City Learning Site, Crave Cacao Orchard, Dhadz Integrated Farm.
Green Pasture Place, JSM Integrated Farm, Ecolistic Agricultural Learning Center, SARBO Integrated Farm, Binanuaanan Community Agriculture Cooperative Farm, Shell Training Farm, UGAT Integrated Farm, Albay Farmers Bounty Village, JJAFELAND Integrated Farm, Kalayaan Farm, College of Saint Isidore Inc., SLR Linksfarm Fair Traders Association Farm, at Glorious Land Ecofarm Training Center Inc.
Ang pinakahuling bahagi ay ang pamamahagi ng post-training support sa ilalim ng National Livestock Program. Ang nabigyan ng suporta ay ang Goat Raisers Association of Camarines Sur, Albay Small Ruminant Raisers Association, San Ramon Lagony Farmers Association (SRLFA) at Arnzy Integrated Farm. Sila ay nabigyan ng forage chopper.
Ang mga aktibidad ay ginanap bilang bahagi ng Harvest Festival na ginanap sa ATI Bicol compound sa Brgy. San Agustin, Pili Camarines Sur nang nakaraang Septembre 30, 2024.