(Photo courtesy of OPAg Masbate)
MASBATE CITY, Masbate- Pinulong kamakailan ng ATI Bicol ang mga High-Value Crops Development Program (HVCDP) coordinator ng Provincial Agriculture Office at iba’t ibang Local Government Unit ng Masbate para sa isasagawang School-On-the-Air (SOA) program sa lalawigan. Ang pagpupulong ay ginanap sa Masbate City nang nakaraang Hunyo 29 ng kasalukuyang taon.
Ang magiging tema ng SOA ay tungkol sa Good Agricultural Practices on Fruits and Vegetables. Ito ay kasunod ng SOA on Corn Production na ginanap nang nakaraang taon.
Limandaang (500) magsasaka ng prutas at gulay ang inaasahang sasali bilang mag-aaral sa nasabing programa na naglalayong maturuan sila ng makabagaong kaalaman at teknolihiya sa kanilang pagtatanim sa pamamagitan sa pakikinig sa radyo ng isang oras bawat sa loob ng apat na buwan.
Pinangunahan ang pagpupulong ng Information Officer II Isagani Valenzuela Jfr, na siyang Project Officer ng nasabing SOA. Bagamat hindi lahat nakadalo, siniguro naman ni Masbate HVCDP Provincial Coordinator Annie Jane Mondares ang pakikisa ng 20 munisipyo at ang kanilang nag-iisang lungsod sa programa.
Ang SOA ay mag-uumpisa sa huling linggo ng kasalukuyang buwan at magtatapos sa Oktobre.