Payo Sa Palay (RCM Briefing) Isinagawa sa Pamplona, Cam. Sur

Wed, 09/13/2023 - 07:48

375753987_1009443670373557_4086846853301276287_n.jpg

Pamplona OIC Municipal Agriculturist Janice Belga welcomes the farmers. 

376350701_274345995451302_6906104153355481882_n.jpg

A rice farmer shows his one-page RCM recommendation.

375203096_1317761965508622_5625964619404805254_n.jpg

An LGU staff interviews a farmer using the RCM application.

PAMPLONA, Camarines Sur- Sa unang pagkakataon, nagsagawa ang ATI Bicol sa Bayan ng Pamplona sa Camarines Sur ng ‘Payo Sa Palay’ o ang paghahatid ng tamang gabay sa nutrisyon ng palay sa pamamagitan ng Rice Crop Manager o RCM. Katuwang ng ATI Bicol ang Municipal Agriculture Office ng nasabing bayan.

Ang RCM isang  digital agriculture application na nagbibigay sa mga magsasaka ng naangkop na rekomendasyon para sa tamang pangangalaga ng nutrisyon ng kanilang palayan  para tumaas ang kanilang ani at kita.

Labing-dalawang (20) mga magsasaka ng palay mula sa limang barangay ng Pamplona ang naging bahagi nito at nabigyang ng isang pahinang rekomendasyon na nagsasaad ng tamang fertilizer, tamang dami at tamang panahon ng paglalagay nito. Meron din mga rekomendasyon tungkol sa tamang panahon ng paglalagay ng insecticide, pagdadamo at alternate wetting at drying o AWD.

Si OIC Municipal Agriculturist Janice Belga ang nag-welcome sa mga magsasaka at sa grupo ng ATI na pianpangunahan ni RCM Point Person Isagani Valenzuela Jr. Ang huli din ang syang nagpaliwanang tungkol sa benepisyo ng RCM.

Ayon sa pag-aaral, maaring magdulot ng dagdag na 400 kilo ng palay sa bawat ektarya , o karagdagang libong pisong kita sa mga magsasaka depende sa presyo ng bilihan ng palay.

Sa kasalukuyan, umabot na ng lampas 12,500 ang naipamahaging rekomendasyon sa buong Bicol.

Ang Payo Sa Palay ay ginanap sa Pamplona Municipal Agriculture Office nang nakaraang Septyembre 12, 2023.

article-seo
bad