Rice Crop Manager Briefing, Muling Isinagawa sa Catanduanes

Tue, 06/20/2023 - 14:00

354562121_695910148965162_8388349094161168014_n.jpg

Kinapanayam ng LGU technician ang magsasaka gamit ang RCM application.

354632095_256358606979530_7311556578332273057_n.jpg

Kinapanayam ng LGU technician ang magsasaka gamit ang RCM application.

351608643_3490601984593168_8240825613733665491_n.jpg

Kinapanayam ng Local Farm Technician ang  kapwa magsasaka gamit ang RCM application.

354057235_2057410531134272_1714745822016744713_n.jpg

Ipinaliwanang ng LGU tehcnician sa magsasaka ang isang pahinang rekomendasyon ng RCM.

354513749_1422202698621796_459468821432366808_n.jpg

Si Ronald Samonte, ang Provincial RCM Coordinator, ibinahagi ang kahalagahan ng RCM sa mga magsasaka.

354072674_786686096324592_793836017814306939_n.jpg

Ang mga kasaping magsasaka kasama ang mga tauhan ng Office of the Provincial Agriculturist at ATI Bicol.

VIRAC, Catanduanes- Pagkalipas ng limang taon, muling isinagawa ng DA_ATI Bicol ang Rice Crop Manager Briefing na tinawag nitong ‘Payo sa Palay’ para paigtingan ang programa sa islang probinsya na tinawag din na ‘Happy Island’ o ‘Masayang Isla.’

Dalawampung magsasaka ng palay ang natulungan ng program ana naglalayong mabigyan sila ng tamang payo tungkol sa pamamahala ng nutrisyon sa kanilang palayan. Ang mga magsasaka sa galing sa mga Bayan ng Bato, San Miguel at Virac.

Katuwang ng ATI Bicol ang Office of the Provincial Agriculturist na pinamumunuan ni Engr. Ace William R. Tria. Kumatawan dito si Ronald Samonte, ang RCM Provincial Coordinator kasama sila John Patrick Camacho at Edzel Balbin. Nakasama din na si Florence Teanila, ang Agricultural Technician ng San Miguel at Joed Alapide Sarmiento, ang Local Farmer Technician ng Virac.

Ang Rice Crop Manager o RCM ay isang modernong serbisyo na layong tulungan ang mga magsasaka ng palay sa pamamagitan ng teknolohiya sa komunikasyon gaya ng smartphone, laptop at tablet.

Sa pamamagitan ng RCM, nabibigyan ang magsasaka ng isang pahinang rekomendasyon na gagabay sa kanya sa panahon ng pagtatanim lalo na sa  klase ng abono, dami at panahon ng paglagay nito sa kanyang sakahan. Napapayuhan din sya gaya ng kung kelan dapat magtanggal ng damo, pag-spray ng insecticide at alternate wetting at drying.

Ang RCM ay bahagi ng RCM Advisory Services na isang digital agriculture service na naglalayong tulungan ang mga magsasaka na makamit ang masagang ani at mataas na kita tungo sa matatag na eknomiya.

Ang RCM Briefing ay isinagawa sa Virac, Catanduanes nang nakaraang Hunyo 15, 2023.

article-seo
bad