School-On-the-Air sa Masbate, Umarangkada Na!

Tue, 08/01/2023 - 14:18

364177555_852493066217572_8754173147726190490_n.jpg

MASBATE CITY, Masbate- Nag-umpisa na ang unang araw ng ‘pasukan’ ng 500 magsasaka ng prutas at gulay sa buong lalawigan ng Masbate sa paglulunsad ng ‘ATIng Kaugnay: School-on-the-Air on Good Agricultural Practices sa Prutas kag Gulay.’

Ang school-on-the-air ay isang paraan ng ATI na mabigyang karunungan ang mamamayan gamit ang radyo. Sa pagkakaton ito, ang SOA sa Masbate naglalayong bigyang karunungan ang mga estudyanteng magsasaka ng tungkol sa ‘Good Agricultural Practices’ o GAP. Ang layunin ng GAP ay protektahan ang kapaligiran, tiyakin ang kalusugan at kaligtasan ng mga magsasaka, at maghatid ng ligtas at masustansyang pagkain sa mga mamimili.

Ang SOA sa GAP ay nasa  ilaim ng High-Value Crops Development Program ng ATI.

Katuwang ng ATI Bicol ang Pamahalaan ng Masbate sa pangunguna ni Gov. Antonio Kho at OIC-Provincial Agriculturist Grace Gracian Tagnipez. Kasama din dito ang lahat ng munisipyo at siyudad ng lalawigan sa pamamagitan ng mga kanya-kanyang City o Municipal Agriculture Office.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni ATI Bicol center Director Elsa Parot na ‘bahagi na ng masiglang buhay ng bawat Pilipino ang gulay at prutas. Ang diyeta na mayaman sa prutas at gulay ay kailangan para sa mabuting kalusugan dahil mayroon silang mga sustansya tulad ng fiber, bitamina, at mineral. Kung kaya’t nararapat lamang na bigyang-pansin ang pagpapalago ng mga gulay at prutas sa ating bansa.’

Magkakaroon ng 12 paksa na tatalakay sa iba’t ibang aspeto ng GAP. Ang mga mag-aaral ay makikinig sa loob ng isang oras magmula alas-9 hanggang alas-10 ng umaga tuwing Sabado magmula Hulyo 29 hanggang Oktobre 14 ng kasalukuyang taon. Mapapakinggan nila ito sa istasyon ng radyo,  ang 98.3 Sprit FM.

Si ATI Bicol Information Officer II Isagani Valenzuela Jr. ang Project Officer at host ng programa. Kasama nya rito si Bb. Annie Jane Mondares, ang Provincial HVCDP at SOA Coordinator.

article-seo
bad