Ibinida ng mga nagsanay ang ginawa nilang banana chips.
CALABANGA, Camarines Sur- Tatlumpu’t dalawang nagsanay sa ‘Training on Vegetable Production and Processing’ ang matagumpay na nagtapos sa tatlong araw na aktibidad na ginanap sa LRV Agri-Science Farm sa Brgy. San Bernardino, Calabanga. Camarines Sur nitong Hunyo 4-6 ng kasalukuyang taon. Ang LRV Agri-Science Farm ay isang Learning Site for Agriculture (LSA) ng ATI.
Ang mga kalakahok ay iba't ibang pinanggalingan- Mga solo parent, mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), mga benepisyaryo ng Department of Agrarian Reform (DAR), mga intern sa Organic Agriculture, at mga benepisyaryo ng National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP) ng Department of Agriculture. Ngunit iisa ang harangin- mapaigting ang programang OA at NUPAP sa bansa.
Sa tatlong araw na pagsanay, sumailalim sa mga serye ng lektura katulad ng hydroponics, land preparation, fertilizer production, container preparation, at plant crop management, Sumailalim din sila sa aktwal na paggawa ng concoction bilang pataba, mga trellis at paghanda at pagluto ng banana chips, taro chips, pipino cupcake at squash pastilla.
Sabi ni ATI Bicol Center Director sa ginawang graduation ceremony, “sana gamitin ninyo ang inyong mga natutunan. At inaasahan ko na makakakagawa din kayo ng sarili ninyong mga produkto.”
Naging katuwang sa pagsasanay ang mga resource person na sina Mr. Cris Mirandilla ng Albay Young Farmers Organization Inc. at Daisy Dona Ramos ng Naga City Agriculture Office.
Maliban kay Director Parot, ang iba pang bumubuo sa training management ay sina OIC Assitant Center Director Emmanuel Orogo; Primalou Imperial, Section Chief ng Information Services Section; Engr. Krisitne Olila, OIC Chief ng Partnership and Accreditation Services Section; Nida Hagos, OIC Unit Head ng Planning, Monitoring and Evaluation Services Unit; Isagani Valenzuela, Jr; bilang Project Officer; Justine Cano, co-Project Officer; at Judy Ann Palacay, Technical Staff.