BNP Program Umarangkada sa Bayan ng Capalonga

Mon, 11/14/2022 - 16:18

IMG_4959.JPG

Umarangkada ang Binhi ng Pag Asa Program sa Bayan ng Capalonga! Muli na namang umusbong ang pang labing-apat na batch ng mga bagong tagapagtaguyod ng agrikultura sa Munisipalidad ng Capalonga. Ito ay isinasagawa sa Selfie Beach Resort, Capalonga, Camarines Norte noong Nobyembre 9-11, 2022. Ito ay nilahokan ng dalawampu’t-limang kabataan mula sa nasabing munisipalidad upang maging isang matagumpay na agripreneur at maging tagapagtaguyod ng agrikultura sa hinaharap. Sila ay makakatanggap ng broiler bilang panimulang sa kanilang tatahaking negosyo.

article-seo
bad