Tue, 10/29/2024 - 15:46

Pambansang Pagtitipon tungkol sa Pagmamais, Isinagawa

“Opportunities often arise from crisis. Iisa lang ang nais natin – ang maging masagana ang kabuhayan ng mga magsasaka at iba pang nasa sektor ng pagmamais,” wika ni Mr. Romualdo I. Elvira, Jr., Pangulo ng Philippine Maize Federation, Inc. (PhilMaize). Ang pambungad na salita ni G. Elvira ay nagsilbing hudyat ng simula ng ika-17 Philippine National Corn Congress (PNCC).

Bagama’t may bahid ng pagkagambala at pag-aalala dahil sa sakunang dulot sa rehiyon ng Bagyong Kristine, sama-samang inilunsad ng iba’t ibang pribado at pampublikong organisasyon ang 17th PNCC sa Legazpi City Convention Center sa probinsya ng Albay noong ika-23 at 24 ng Oktubre 2024.

Ang PNCC ay isinasagawa taon-taon tuwing buwan ng Oktubre o kaya Nobyembre kung kailan nakapag-ani na ng mais ang mga magsasaka. Ang kongres ay may layuning makapagbigay ng akmang rekomendasyon upang magsilbing plano at programa tungo sa masaganang maisan, ayon kay Mr. Elvira.

Sa nasabing okasyon, nagkaroon ng konsultasyong ang PhilMaize sa mga representante ng mga organisadong mga magsasaka ng mais, sa inisyatibo ni Mr. Elvira at ng Bise Presidente ng PhilMaize, si Dr. Artemio M. Salazar.

Dito napag-alaman ang mga pangunahing sulirarnin tulad ng kakulangan sa abot-kamay at abot-kayang postharvest facilities. Isa ito sa mga dahilan kung bakit napakababa ng presyo ng mais, kasama ang importasyon sa panahon ng pag-ani ng mais. Bumaba rin ang pangangailangan sa dilaw na mais dahil sa kalagayan ng industriya ng paghahayupan dulot ng swine fever at avian influenza.

Gayun pa man, naging positibo ang mga delegado dahil may nakikitang pag-asa sa mga itinatayong grain centers na magiging imbakan ng mais, lalo na sa panahon ng tag-ulan. Malakas ang kanilang panawagan sa Department of Agriculture (DA) para sa makinaryang ginagamit sa pagpatuyo ng mais na sustenable at mas mura ang kinakailangang panggatong.

Bilang panauhin, dumalo sa 17th PNCC sina Acting Governor Baby Glenda Ong-Bongao at Provincial Agriculturist Cheryll O. Rebeta ng Albay, gayundin ang representante ni Congressman Joey Sarte Salceda na si Chief of Operations Joseph D. Yap.

Mula sa ibang rehiyon, tampok bilang panauhin sina DA Regional Technical Director (RTD) Dennis I. Tactac at DA Field Operations Chief Analiza R. Ramos ng Region 1; DA RTD Roberto C. Busania at Corn Program Focal Person Paul Vincent G. Balao ng Region 2; gayundin ang Corn Program Focal Person Engr. Franz Gerwen A. Cardano ng Region 4B; Agricultural Extension Worker (AEW) Susan O. Coronado ng Region 11; Corn Report Officer Ma. Rosa P. Allera ng Region 12; DA Fields Operations Chief Melody M. Guimary ng Region 13; at ATI National Corn Program Focal Person Sherrie C. Dreje.

Mula naman sa mga co-sponsors na mga organisasyon sa rehiyon ng Bicol, presente sina ATI Bicol Center Director Elsa A. Parot na siyang nagpaabot ng Mensahe mula kay ATI Director Remelyn R. Recoter, DA Field Operations Chief Earl Vincent P. Vegas, at ang Corn and Cassava Coordinator na si Engr. Amabel N. Bombase.

Samantala, bilang mga piling tagapagsalita, nagpresenta ng kani-kanilang paksang ang mga eksperto mula sa iba’t ibang opisina at organisasyon:

•Mr. David D. Cristobal, Regulatory Stewardship and Compliance Manager ng Bayer Philippines, Inc., tinalakay ang “Responsible Innovation: Ensuring Product Stewardship in Yellow Corn”

•Ms. Apel Jae Clemente, Science Research Specialist I ng Bureau of Plant Industry, tinalakay ang “Management of Emerging Pests and Diseases in Corn”

•Mr. Dindo N. Seniedo, Regional Sales Manager ng Adamco, tinalakay ang “Developments in Bio-Fertilizer”

•Mr. Agerico DJ. Aguilar, Treasurer ng Bicol Corn Board, tinalakay ang “Utilization of Corn Silage in Cattle Fattening”

•Mr. Raffy Ko, President ng HG Silos, Inc., tinalakay ang “Grain Silo Operation”

•Mr. Paulo Angelo Veluz, Product Manager ng Syngenta Philippines, tinalakay ang “Accelerating Farmers Productivity through Sustainable Corn Technologies”

•Ms. Danielle Allysa C. Zalameda, Biological Category Manager ng Corteva, tinalakay ang “Biologicals for Corn Farming”

PNCC1.jpg

PNCC2.jpg

PNCC3.jpg

PNCC4.jpg

PNCC5.jpg

PNCC6.jpg

PNCC7.jpg

PNCC8.jpg

PNCC9.jpg

PNCC10.jpg

PNCC11.jpg

PNCC12.jpg

PNCC13.jpg

PNCC14.jpg

PNCC15.jpg

PNCC16.jpg

PNCC17.jpg

PNCC18.jpg

PNCC19.jpg

PNCC20.jpg

PNCC21.jpg

PNCC22.jpg

PNCC23.jpg

PNCC25.jpg

PNCC26.jpg

PNCC27.jpg

PNCC28.jpg

PNCC29.jpg

PNCC30.jpg

PNCC31.jpg

PNCC32.jpg

PNCC33.jpg

PNCC34.jpg

PNCC35.jpg

PNCC36.jpg

PNCC37.jpg

PNCC38.jpg

PNCC39.jpg

PNCC40.jpg

article-seo
bad