4-H’er Mula Camarines Norte, Magsasanay sa Bansang Hapon

Sat, 04/15/2023 - 15:20

QUEZON CITY – Sisimulan na ni Jam Kenny Bernardo ng Barangay Taisan, Basud, Camarines Norte ang halos isang taong homestay training sa bansang Hapon.

4H Basud CN Jam Kenny Bernardo.jpg

Si Jam Kenny ay isa sa 23 kabataang Pilipinong pumasa sa pagsasala at eksaminasyon sa ilalim ng programang Young Filipino Farm Leaders Training Program in Japan (YFFLTPJ) para sa taong 2023.

Sa Bicol Region, ang mga aplikante ay dumaan sa masusing proseso ng pagpipili na nagsimula sa rehiyon at nagtapos sa national level evaluation. Ang YFFLTPJ ay sinusuportahan ng ATI Bicol sa pangunguna ni Ms. Ma. Techie Lizaso, 4-H Program Focal Person, sa superbisyon ni ATI Bicol Center Director Elsa Parot, at sa tulong ng mga 4-H Club Coordinators ng iba’t ibang Provincial, City, at Municipal Agriculture Offices.

4H Send-Off ATI-CO.jpg

Matapos ang Send-Off Ceremony na isinagawa ng Agricultural Training Institute sa Quezon City sa pamumuno ni ATI Director Remelyn Recoter at Deputy Director Antonieta Arceo, ang 23 mapapalad na kabataang pumasa sa mga pamantayan ay tumungo na sa bansang Hapon noong Abril 14, 2023. mag-aaral ng moderno at sustinableng pagsasaka sa bansang Hapon,

Ang YFFLTPJ ay isinasagawa sa pagtutulungan ng Department of Agriculture (DA) at Japan Agricultural Exchange Council (JAEC). Layon nitong matulungan ang kabataang Pilipinong magsasaka na maging farmer leaders at agricultural entrepreneurs.

Congratulations and Godspeed, YFFLTPJ Trainees Batch 2023!

4H Send-Off for 23.jpg

article-seo
bad