DA-ATI Bicol Concludes SLTOT on ICM in Vegetable Production

Sat, 10/15/2022 - 07:39

311898582_659561725786688_3734121587482821738_n.jpg

“Gather Knowledge to Scatter”

PILI, Camarines Sur – “Gather knowledge to scatter. Do not forget your experience here. The journey may be bumpy, pero pwede siyang pasayahin. Huwag susuko.” Ito ang tagubilin ni ATI Bicol Center Director Elsa Parot sa 28 Agricultural Extension Workers (AEWs) sa kanilang pagtatapos sa Season-Long Training of Trainers (SL-TOT) on Integrated Crop Management (ICM) in Vegetable Production.

Ang pagsasanay ay isinagawa sa ATI Bicol sa loob ng apat (4) na buwan. Ang practicum Farmer Field Schools (FFS) ng mga kalahok ng SL-TOT ay ginanap sa limang (5) barangay – ang Pacol at Cararayan sa Naga City, gayundin ang Bagong Sirang, Curry, at Tinangis sa Pili, Camarines Sur. Sa ganitong paraan, sabay na nagsanay ang 28 AEWs at 123 magsasaka na tinuruan nila hindi lamang sa loob ng silid-aralan kundi lalo na sa aktwal na pagtatanim sa Participatory Technology Demonstration Area (PTDA).

Ang SL-TOT on ICM ay inilunsad ng Agricultural Training Institute (ATI) upang mabigyan ng kapasidad ang mga AEWs bilang tagapagsanay sa High-Value Crops Development Program (HVCDP).

Ito ay naisagawa sa pakikipag-tulungan ng Department of Agriculture-Regional Field Unit (DA-RFU) at iba’t ibang Local Government Units (LGUs) kung saan nagmula ang mga SL-TOT facilitators, resource persons, at participants o kalahok.

Samantala, sa kanyang Keynote Message, kinilala ni Dr. Mary Grace Rodriguez ang kahalagahan ng pagsasanay. Bilang representante ni DA-RFU Regional Executive Director Rodel Tornilla, gayundin bilang hepe ng DA-RFU Field Operations Division at HVCDP Regional Coordinator, nagbigay ng hamon si Dr. Rodriguez sa mga nagtapos ng SL-TOT.

Ayon sa kanya, “Ang kaalaman ay hindi natin ma-monopolize. Mas maganda kung mai-share natin. Transformation is dramatic change in the inner self. You’ve been transformed.”

“Madadagdagan na naman ang ating katuwang sa field,” masaya namang nawika ni Mr. Marcial Bustarga, Agricultural Program Coordinating Officer (APCO) ng Camarines Sur, sa nasabing okasyon.

Nagbigay naman ng kani-kanilang learning insights ang ilang kalahok. Ayon kay Mr. Jean Marlo Medes, AEW ng Guinobatan, Albay, “Ang tagumpay na ito ay dahil sa ating pagtutulungan at pagkakaisa.”

Dagdag ni Ms. Ailine Llagas, AEW ng Daraga, Albay, “ATI pushed me to my limits. Marami akong natutunan. Naging technically equipped po ako.”

Samantala, magkahalong tuwa at luha ang pahayag ni Ms. Karen Antuerpia, AEW ng Matnog, Sorsogon. “Marami akong memories na mami-miss at maaalala. Marami akong natutunan.”

Sa kanyang Closing Message, binigyang-diin ni Dir. Parot ang kahalagahan ng pagsasanay sa paghubog ng AEWs. “Lumabas kayo sa inyong kahon. That’s essentially what it is all about, to be confident towards effective agricultural extension work. Thank you so much for making us at ATI feel our relevance.”

#ATIBicol #ATIiNspire #ishareknowledge

article-seo
bad