ANG LISTA NI BERT DIESTA

Monday, May 16, 2022 - 14:53


Robert-Diesta.jpg

Sa Bicol, kung kailangan ng mukha ng kabataan na nagtagumpay sa agrikultura, si Roberto “Bert” Diesta ang isa sa ipapakita.

Isang anak ng magsasaka at Barangay Heath Worker sa Brgy. Muladbucad Grande, Guinobatan, Albay, ang 28-anyos na binata ay dating miyembro ng Sangguniang Kabataan ng kanilang barangay. Pero ang pag-anib nya sa 4-H Club ang nakapagbago sa kanyang buhay. “Noong nag-stop ako, iyon naman ang naging opportunity ko sa 4H dahil nagkaroon ako ng time.”

Pero kay Bert, mas mas naghikayat pa sa kanya. Marami pala syang makukuha sa pagiging myembro. “Nabasa ko yung 4H handbook. Nabasa ko doon na kung naging member ka, ito ang mga benefit. Noong nabasa ko yun, gumawa ako ng checklist. Ang aim ko noon ang lahat ng program o project ng 4H, gusto ko ma-experience lahat. Ito ay para ma-inspire ko ang 4Her na kung ano ang nakalagay sa handbook ay kaya din nilang abutin.”

Hindi nya natapos ang kurso niyang Bachelor of Science in Agri-Business sa Bicol University dahil sa kakapusan ng pera. Pero ika nga kung may nagsara, mayroong magbubukas ng pagkakataon.

Jala-Jala

“Nalaman ko sa aming coordinator na may pa-exam para sa scholarship. At full scholarship ito, walang talagang gagastusin kaya nag-apply talaga ako noon. Ang dami naming nag-exam noon. Maraming kaming nag-exam hanggang sa paunti-unti. Sinwerte naman ako. Nakapasa sa qualification. Ang tawag sa scholarship ay Youth Empowerment for Sustainable Program o YES.”

Ang kurso nya ay Diploma in Entrepreneurship specialized in Farm Business Management. Pero kailangan nyang makalayo sa kanyang pamilya dahil ang paaralan ay nasa Jala-Jala, Rizal. Ito ang MFI Polytechnic Institute. Isang beses sa isang taon lang sila nakaka-uwi sa pamilya. “Kada December po kami umuuwi. Ang maganda dito, sinusindo kaming mga scholar ng ATI para makapag-bakasyon.”

Lumawak ang kanyang karanasan. “Ang program nya talaga ay napakaganda para ma-develop ang skill. Doon kasi tr-semester sya for two years. Per semester, one month lang kami sa school. Tapos three months kaming on-the-job training. So, halos walo ang farm ang napuntahan ko, na-experience ko. Doon ko nakita ang mga opportunity sa pag-engage sa farm. So iyun yong nagamit ko dito.

Balik-Probinsya

Sa kanyang pagtatapos, ginawaran sya ng panimulang kapital para mag-umpisa ng kabuhayan at sa i-apply ang natutunan. “Ito ay ampalaya production… Yun amapalaya, noong 2017 hanggang 2018, maganda ang result kasi sakto naman, maganda ang presyo ng ampalaya noon. Ngayon, continuous po yun. Mayroon akong kinita. Ang kinita ko sa ampalaya, binili ko sya ng kalabaw.”

Maliban dito, nabigyan sya ng trabaho.. Nakapasok siya sa Department of Agricultural Regional Field Office sa Camarines. Sur. “Two months kami as enumerator sa rice, Project MANA (Maunlad na Agrikultura sa Nayon).”
Pero nag-uumpisa pa lang ang lahat.

Japan

Isa si Robert sa piling mga kabataang nakasama sa Young Filipno Farmers Training sa Japan. Isa sya sa 21 batang magsasaka na natanggap sa programa. Napatunayang hindi lang sa Bikol ang kanyang charisma. Siya ang napiling lider. “At kahit mahina ako sa Nihonggo, ako parin ang pinili nilang lider sa grupo.”Yun mga kasamahan ko po kasi, is magagaling po kasi kahit yung lider nila ang hindi napakagaling sa Nihongo, lagi sila sa likod ko pata mah-interpret pag may problema po.

At sabi nya, masuwerte din sya sa pamilyang kumupkop sa kanya ng 11 buwan. “Yong farm, ‘yong host family ko. Very open sila. Sabi nga, blessed ako kasi doon ako napunta.”

HInakayat syang matuto. “Sabi sa akin, ‘Ngayon gusto ko, pag-uwi mo sa Pilipinas, marami kang matututunan.’ Sabi nya, ‘magbigay ka sa akin na mga gusto mo pang matutunan dito sa Japan.’ Ang sabi ko gusto ko ay iyong Smart Dairy Farming. So, ipinadala nya ako doon sa friend nya na may dairy farm. Tapos sabi ko gusto ko pa matutunan iyong Japanese Mushroom. Kaya sinend nya din ako doon sa friend. Kaya mga sa ,list ko gusto kong matutunan, pinadala nya ako kung saan-saan. So halos nalibot ko din oo iyong Japan.”

Balik-Pinas

Sa pagbalik nya Pilipinas, taglas ang mga natutunan kasama ang ipinamahaging puhunan, nagtayo sya ng pagkakakitaan. Grapes farming ang gusto nya at dahil wala syang nakitang mas magandang variety na angkop sa kanilang lugar, ang pag-aalaga ng baboy ang naging alternatibo nya.
“Hindi dapat ako mag-swine production. Kaso ang project ko galing sa ATI ay fattening talaga sya. Kaso nagkaroon tayo ng problema sa ASF (African Swine Fever). Ngayon ang positive naman na naibigay ng ASF is tumaas ang presyo ng baboy. Sakto bago ako mag-dispose nakuha ko ang mataas na presyo ng baboy. Bago ako mag-dispose, nahihirapan naman ako humanap ng mga biik na isi-second cycle ko. Ngayon ang sabi ko mag-iiwan akong isang baboy na magiging inahin. At ito na nga sya. May isang inahin ako. Nanganak na at may 12 piglets sya. Sa ngayon, ang walo, pinagbenta ko na. At meron ako ditong iniwan para sa fattening at magkakaroon ako ng dadgdag na inahin.”

Ika nga, sa tiyaga , may nilaga. Kay Bert, ito ay lupa.

“Ang bentahan dito may bumiling 4,000 at 4,500. Dati kasi ang bentahan 100-120 per kilo. Dahil sa nagkaroon ng problema sa baboy dahil sa sakit, umabot sa 170 to 200. So nakuha ko yong 200 kaya sinwerte. At iyong kinita ko, iyon ang binili ko ng lupa. Mga .5 hectare sya.”
Plano nya pang palawakin ang kanyang bukirin. Idinagdag nya ang stingless bee production.

Ganon pa man, hindi nya isinasarili ang kanyang natutunan sa Japan. Kasalukuyan syang consultant sa Albay Provincial Agriculture Office (APAO) kung saan kanyang ipinapalaganap ang mga kaalama’t teknolohiya gaya ng Smart Dairy Farming.
Plano nya maging Learning Site ang kanyang farm. Ito ngayon ang kanyang pinagsisikapan. “Ang plan ko ay maging LSA. Tapos maging farm school para maka-offer din ako ng TESDA course na NCII na related sa agriculture. At Farm Tourism (Site) din.

Isa Na Lang

Sa kabila ng tagumpay, mayroon pa siyang pinapangarap. Ang natitira sa kanyang checklist. “Sabi ko nga may, two years pa ako. 30 years old kasi is ano na, graduate na. So sa two years na yon, may isa pa kasi sa checklist. At least kong hindi ako maka-compete sa National (Convention). At least, maka-attend ako, okay na ako.”

At marahil sa pinakitang sipag ni Bert, hindi makakapagtatakang sa malapit na hinaharap, kumpleto na ang checklist.


Story by: