PILI, Camarines Sur – “Before we empower others, we have to start with ourselves,” paalala ni Center Director Elsa Parot sa kanyang Mensahe sa pagtatapos ng paggunita ng ATI Bicol sa ika-36 na Anibersaryo ng ahensya.
Sunud-sunod na aktibidad ang ikinasa ng ATI Bicol para sa nasabing okasyon. Una na rito ang isang banal na misa. Sumunod ang mga gawaing nagbigay-buhay sa tema ng selebrasyon: “Innovate, Transform, Empower: Embracing Extension Modernization for a Progressive and Sustainable Agriculture and Fisheries.”
Ang inobasyon ay inilarawan ng proyektong Seed Banking for Lasting Initiatives for the Environment (Seed for LIFE) kung saan binasbasan ang greenhouse na matatagpuan sa ATI Bicol. Ang proyekto ay isinasagawa sa pakikipag-tulungan sa mga Learning Sites for Agriculture (LSA) na magsisilbing community seed bank sa kani-kanilang komunidad.
Ang transpormasyon ay ipinakita sa pamamagitan ng Unveiling Ceremony para sa pinapanukalang ikalawang palapag ng mess hall na magsisilbing expansion site ng Technical Offices. Samantala, ang empowerment ay binigyang-buhay ng ATIng Kaugnay Podcast, binansagang PEAS na ibig sabihin ay “Provider of Extension Advisory Services.” Ang inaugural episode ng Podcast ay ibinahagi kung saan tampok ang panayam kay Director Parot. Sa pagtatapos ng isang buong araw na selebrasyon, isinagawa ang Commitment Signing sa Work and Financial Plan ng section at unit.
Samantala, bawat empleyado ay pumirma sa tarpaulin poster ng “Innovate, Transform, Empower.”
Isang inspirasyon ang ibinahagi ni Dir. Parot sa mga kawani ng ahensya sa kanilang pagharap sa isa na namang taon na walang-humpay na training and extension events.
“The stakes are high for us. We will do this. Full speed ahead. Just do our best. Remember why we are at ATI Bicol. This work is very rewarding because we work with people.”
Dahil dito, ang hashtag para sa ATI Bicol, aniya, ay TURBO NOW: Try Ur Best OK. No Opportunities Wasted.