ATI National Director Remelyn Recoter (pangalwa mula sa kaliwa) ipinakita ang certificate of accreditation ng DOT. Kasama nya sina (mula sa kaliwa) ATI Assistant Director Antonieta Arceo, ATI Bicol Center Director Elsa Parot at DOT Region 5 Tourism Operations Officer II Dr. Siegfred Nebres.
Masayang ipinakita ni ATI Bicol Center Director Elsa Parot ang certificate of accreditation kasama si ATI National Director Remelyn Recoter.
Ipinarangya ni DOT Region 5 Tourism Operations Officer II Dr. Siegfred Nebres ang DOT sticker na Agri-Tourism Site na maaari nang idikit sa tanggapan ng ATI Bicol.
Si OIC PASS Chief Engr at ATIng UMA Team Leader Kristine Olila ipinaliwanag ang mga serbisyong hatid ng ATIng UMA.
Si Training Specialist I at ATIng UMA Assistant Team Leader Alexander Vargas ibinahagi ang kasaysayan ng ATIng UMA.
Ipinasyal nila Center Director Elsa Parot at ATIng UMA Assistant Team Leader Alexander Vargas si Director Recoter at Assitant Director Arceo sa UMA-Aral.
Inobserbahan ni Director Recoter ang tanim na palay sa UMA-Ariba.
Si Director Recoter namitas ng mais sa UMA-A-Maize.
Ganundin si Assistant Director Arceo.
Ipinakita nila Director Recoter at Assistant Director Arceo ang mga aning mais kasama sina Center Director Parot at iba pa.
Sina Director Recoter at Assistant Director Arceo sa loob ng itikan sa UMA-Alaga.
Ipinakita nila Director Recoter, Assistant Director Arceo kasama sina Center Director Parot at Mr. Vargas ang mga produktong itlog.
Si Director Recoter ipinakita ang alagang kuneho sa UMA-Alaga.
PILI, Camarines Sur- Taos- pusong tinanggap ng ATI Bicol ang karangalan bilang Agri-Tourism Farm Site ng Department of Tourism. Ito ang kauna-unahang Agri-tourism site sa buong ATI network sa Pilipinas.
Si ATI National Director Remely Recoter mismo ang tumanggap ng certificate of accreditation mula sa kinatawan ng DOT na si Dr. Siegfred Nebres, ang Tourism Operations Officer II ng DOT Region 5. “ATI-RTC 5 is now a destination” ang deklarasyon ni Dr. Nebres.
Kasama nya sa pagtanggap ng parangal ng pambihirang karangalan sina Assistant National Director Antonieta Arceo at ATI Bicol Center Director Elsa Parot. Nasa okasyon din sila Dr. Mary Grace Rodriguez ng DA-RFO 5 at Joelle Benavidez ng BFAR Regional Office 5.
Nakiisa din ang ibang mga opisyal at tauhan ng ATI Bicol gaya nila Assistant Center Director Vivien Carable, ISS Section Chief Primalou Imperial, , CDMS Chief Emmanuel Orogo, OIC PASS Chief Engr. At ATIng UMA Team Leader Kristine Olila at Training Specialist I at ATIng UMA Assistant Team Leader Alexander Vargas.
Ayon kay Director Recoter, ang karangalan ay patunay na mas pinapaigting pa ng ATI ang serbisyo nito sa mamamayan. “Congratulations sa ATI Bicol for coming up with this innovation. Ito ay strategy ng ATI para maipakita ang mga teknolohiya sa mga gusting matuto sa agrikultura. This is learning by doing”
Laking tuwa naman ni Center Director Parot dahil nagbunga na ang matagal nitong pinaghirapan. “Gusto naming ang sino mang pumasok sa premises, paglabas nila at may matututunan sila. Ipapakikita namin kung paano ang mga gagawin at hindi dapat gawin. Ito ay inaalay naming sa aming mga kliyente, mga kawani ng ATI at mga agri-enthusiast lalo na sa mga kabataan.”
Ang ATIng UMA o Unlimited Mentoring in Agriculture ay isang technology demonstration site sa loob ng ATI compound na nagpapakita ng mga teknolohiya sa uba’ibang larangan sa agrikultura. Ang ‘uma’ ay salitang Bikol na ang ibig sabihin ay ‘bukirin.’
Ang mga ito ay ang:
- UMA-Arangkada- edible landscape
- UMA-Aral- Kasaysayan ng ATI Bicol
- UMA-Akit- Hardin
- UMA-Ariba- Palayan.
- UMA-AMmaize- Maisan
- UMA- Antay- Mini-forest
- UMA-Alaga- Hayupan
- UMA-Antabay- Organic agriculture
- UMA-Antig- Aquaponics
- UMA-Angat- High-value crops
- UMA-Aksyon- Play area
- UMA- ATIkabo- Sports area
Kaya tara na sa ATIng UMA!