Pinangunahan mismo ni ATI National Director Remelyn Recoter ang panunumpa ng mga bagong Regional 4H Federation Officers sa ginanap ng Bicol 4H Youth Camp sa compound ng ATI Bicol.
Si ATI Bicol Center Elsa Parot nagbigay ng kanyang mainit na pagtanggap sa mga kabataan.
Ang simbolikong pagbubukas ng taonang rehiyonal na Bicol 4-H Youth Camp.
Ang Himig-Handog
Ipinakilala ni Ms. Angelica Porto ang kanyang produkto.
Ang premyo ng mga nagwagi.
PILI, Camarines Sur- Ika nga walang umuwing luhaan. Imbes nagdadagan pa ang kanilang kaalaman, kasanayan at kaibigan.
Ito ang naging karanasan ng 64 kabataang kaanib sa 4H Club mula sa anim na probinsya ng Bicol- Albay, Camarines Sur, Camaranis Norte, Catanduanes, Masbate at Sorsogon- sa ginanap na Bicol 4H Youth Camp sa ATI compound, Pili, Camarines Sur nang nakaraang Abril 11-13, 2023.
Ang 4-H Club ay samahan ng mga kabataang sinusulong ang mga programang pang-agrikultura at kabuhayan para sa ikauunlad ng kanilang head (ulo), heart (puso), hands (kamay) at health (kalusugan).
Sinumulan ang programa sa mga simbolikong seremonya. Sinundan naman ng welcome address ni ATI Bicol Center Director Elsa Parot na kung saan binigyang-diin niya ang papel ng mga kabataan sa pagbuo ng bansa at ang kahalagahan ng pakikilahok ng mga ito sa agrikultura. Nagpahayag din ng suporta ang rehiyonal na tanggapan ng Department of Agriculture sa pamamagitan ni Mr. Marcial Bustarga, ang Agricultural Provincial Coordinating Officer sa Camarines Sur.
Nagkaroon ng tagisan sa larangan ng agri innovative pitching, hinig handog song-writing at singing contest at promotional video contest. Ang mga nagsipagwagi ay sina:
4H Agri-Innovative Pitching
1st- Masbate-Nepthalie Aban
2nd- Albay- Roberto Diesta
3rd- Cam. Norte-Lenard F. Maramba
4H Himig Handog Song Writing And Singing Contest
1st- Masbate- Mao Japhet Sampaga
2nd- CamNorte-Airen E. Gomez
3rd- Albay- Jeremias L. Guanzon Jr.
4H Promotional Video Making Contest
1st- Cam. Norte-Rex D. Encarnacion
2nd- Sorsogon-Arnelyn N. Aguilar
3rd- CamSur-Arielle Rose Datoy
Ang mga nagwagi ay nagantimpalaan ng pera, binhi at mga kagamitang pangsaka .
At syempre lahat ito kompetisyon. Nagkaroon din ng pamamahagi ng mga matagumpay na kwento at inobasyon ng mga kabataan kagaya ni Angelica Porto, ang may-ari ng Porto’s Kitchen, na gumagawa ng mga produktong galing sa sili at; Diosdado L. Culiat, isang Adopt-A-Youth Program graduate; at Emmanuel Villagen, isang Binhi ng Pag Asa graduate na may-ari ng Eman-Oks 3R’s Hydroponics.
Namahagi din sila James Fresnido, ang 4H Regional Federation Vice President, at benepesaryo ng Urban Agriculture Program, at King John Binlayo ng 4H Club Bacacay na nahirang na National Winner sa 4H National Excellent Achievers’ Award.
At para malaman ang programa ng gobyerno sa kabataan, tinalakay ni Patrocinio Collao, ang Regional Focal Person of Young Farmers Challenge Program ng DA-RFO 5 ang detalye ng Youth Programs in Agriculture at sabay pinaanyayahan ang mga kaanib ng 4H na sumali sa Young Farmers Challenge Program.
At para ipalaganap ang digital agriculture na isinusulong ng pamahalaan, ipinamahagi ni ATI Bicol Information Section Chief Primalou Imperial ang tungkol sa Digital Farmers Program na naglalayong mapalago ang produksyon at kita sa agrikultura gamit ang mga modernong gadget na sikat sa mga kabataan.
Naging highlight naman ang oath-taking at induction ng mga Regional 4H Federation Officersdahil pingangunahan mismo ito ni ATI National Director Remelyn Recoter. Dito pinuri nya ang lahat na miyemebro ng 4H , gayun pam ana hinamion nya pa rin ang mga ito na maging modelo sa paghimok sa kapwa kabataan na tangkilikin ang agrikultura.
Ang mga bagong halal na mga opisyal ng 4-H sa Bicol ay sina :
President : Dhonald Verana (Camarines Norte)
Vice President : Gilbert Bolima (Albay)
Secretary : Cristina Torreda (Catanduanes)
Treasurer : James Fresnido (Sorsogon)
Auditor : Allan Cinco (Masbate)
Business Manager : Joey Hade (Camarines Sur)
Ang huling aktibidad ay pagbisita sa mga Learning Site ng ATI. Binista nila ang Deloverges Agri-Farm sa Bayan ng Bula at ang Carmel Agri- Learning Farm sa Pili. Dito ay personal nilang nasaksihan ang mga teknolohiya at napakinggan ang mga payo ng mga nagpapalakad nito.
Si Emmanuel L. Orogo, ang bagong talagang hepe ng Career Development Management Section ang nagbigay ng pangwakas na mensahe. Muli nyang hinamon ang mga kabataan na isabuhay ang deklarasyon nig Pambansang bayani na si Jose Rizal na “Ang Kabataan ang Pag-Asa ng Bayan.”