Sat, 06/29/2024 - 10:16

449362899_1031750761901114_1369528104576926443_n.jpg

NABUA, CAMARINES SUR — Dalawampu't limang beekeepers mula sa limang lalawigan ng rehiyong Bikol ang nagsipagtapos ng Honey to Money: A Training on Basic Beekeeping na ginanap mula ika-25 hanggang ika-27 ng Hunyo, 2024 sa Macagang Business Center sa Bayan ng Nabua, Camarines Sur.

Sa loob ng tatlong araw na pagsasanay, sila ay pinutakte ng samu't saring kaalaman at natatanging kasanayan mula sa tinaguriang "Queen Bee" ng rehiyon, si Dr. Maria Dulce J. Mostoles, dating propesor ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) at ngayon ay co-owner at Technical Staff ng Ecobees & U Farm Enterprise.

Hitik na hitik ang naging talakayan sa una at ikalawang araw ng pagsasanay na nagbigay pa ng mas malalim na pag-unawa at interes sa mga kalahok upang magpatuloy pa sa pamumuhunan at pagnenegosyo sa larangan ng Apiculture. Sa huling araw naman, kanilang binisita ang Regional Apiculture Center ng CBSUA upang kanila mismong masaksihan ang sitwasyon at maranasan ang mga kasanayan sa isang bee farm.

Ang mga kalahok ay ang mga benepisyaryo ng programang Livestock Economic Enterprise Development (LEED) ng Department of Agriculture-Bicol na magbibigay sa kanila ng Php 100,000 worth of Starter Kits upang makapagsimula at magpaunlad ng industriya ng apikultura sa rehiyon.

Ang inisyatibong ito ay isa sa mga sagot ng ahensya sa nakakaalarmang sitwasyon ng industriya sa rehiyon, na unti-unti nang nakakalimutan at napapabayaan. Ang pagdalo ng mga kalahok sa pagsasanay na ito ay nagpapakita lamang ng kanilang dedikasyon sa pag-abot ng matayog nilang pangarap na buhayin at ibangon muli ang industriya sa Bikol.

Tunay ngang ito na ang pinakahihintay nilang BEEyayang BUBUo sa mataYOG nilang mga pangarap sa kani-kanilang asosasyon.

article-seo
bad