Mon, 04/29/2024 - 11:56

440178143_993854422357415_467417308897550113_n.jpg

CALABANGA, Camarines Sur- Tatlong po’t limang magsasaka ang nabigyang payo tungkol sa tamang pamamahala ng nutrisyon sa tanim na palay gamit ang Rice Crop Manager. Ito ang unang pagkakataon na isinagawa ng ATI Bicol ang aktibidad sa Bayan ng Calabanga, Camarines Sur.

Ang Rice Crop Manager ay isang digital agriculture application na nagbibigay sa mga magsasaka ng naangkop na rekomendasyon para sa tamang pangangalaga ng nutrisyon sa kanilang palayan para tumaas ang kanilang ani at kita. Ito ay bahagi ng programa ng pamahalaan sa pagsulong ng modernong agrikultura.

Katuwang ng ATI Bicol ang Department of Agriculture- Regional Field Unit 5 at ang Lokal ng Pamahalaan ng Calabanga sa pamamagitan ng kanilang Municipal Agriculture Office na pinamunuan ni Ginoong Megdonio Segovia.

Kasama ni ATI Bicol RCM Coordinator Isagani Valenzuela Jr. at Technical Staff Hannah Anoňuevo sina DA-RFO 5 RCM Dissemination Technical Staff Lakambini Aldecoa at mga kawani ng Calabanga MAO na sina RCM Muncipoal Coordinator Ronnel Gacer, Agriculturist II Alexander B. Baldoza, Agriculture Technician Ma. Rosario Lavapie at mga Local Farmer Technicians Isagani Betchayda at Ma. Corazon Barba.

Magagamit ang mga natanggap na rekommendasyon sa kanilang susunod na taniman. Gigiyahan sila ng tamang abonong gagamitin, ang tamang panahon kung kelan maglalagay nito, ang tamang dami na kanilang ilalagay.

Ginanap ang RCM briefing sa kapilya ng Brgy. Sta Cruz Quipayo nang nakaraang Abril 26.

article-seo
bad