FITS Center sa Badoc, bukas na

Tue, 03/07/2023 - 16:22

Badoc, Ilocos Norte- Pormal nang binuksan ang Farmers’ Information and Technology Services (FITS) Center ng local na pamahalaan ng Badoc, Ilocos Norte na pinangunahan ng Agricultural Training Institute-Regional Training Center 1 (ATI-RTC 1), kasama ang Mariano Mariano Marcos State University at ang Ilocos Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development Consortium (ILAARRDEC) noong ika-3 ng Marso taong kasalukuyan.

LGU-Badoc Ilocos Norte, ATI-RTC 1, ILAARRDEC and MMSU officials and representatives conduct ribbon cutting as part of the opening of the FITS Center-Badoc
LGU-Badoc Ilocos Norte, ATI-RTC 1, ILAARRDEC and MMSU officials and representatives conduct ribbon cutting as part of the opening of the FITS Center-Badoc

Ang nasabing FITS Center ay magsisilbing “one-stop shop” ng mga impormasyon, teknolohiya at iba pang mga serbisyo na makatutulong sa mga magsasaka at mangingisda mula sa nasabing bayan. Ito ay matatagpuan sa Municipal Agriculture Office.

Ang pagbubukas nito ay pinangunahan ni bise-Mayor Alwyn Rubio. Panatag naman niyang binanggit sa kanyang mensahe ang patuloy na suporta ng administrasyon para sa mga magsasaka at mangingisda ng bayan sa pangunguna ng kanilang alkade, Kgg. Maximo D. Cajigal.


Kasama rin sa kaganapan ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Kgg. Mary Pauline Lacuesta, Kgg. Jayson Rubio; Municipal Agriculture Officer-in-Charge G. Renante Cayme; kinatawan ng ILAARRDEC na si Dr. Sherlyn B. Nicolas; MMSU Extension Director Dr. Marilou P. Lucas; Dekano ng MMSU College of Teacher Education Dr. Aris Reynold V. Cajigal; at Dr. Maricel D. Dacapias na kumatawan naman para sa ATI-RTC 1. Pinasinayaan din ang aktibidad na ito ng mga opisyales, lider at mga miyembro mula sa iba’t ibang organisasyon at barangay at kasama nga rito si Municipal Agriculture and Fisheries Council (MAFC) Chairman G. Elvis Pidut.

Sa puntong ito, muling ipinakilala ni. G. Alladin C. Tabo, ATI-RTC 1 Techno Gabay Program Coordinator, ang TGP sa mga lumahok sa aktibidad upang mas maipaliwanag ang kahalagahan ng nasabing programa.

Municipal Agriculture and Fisheries Council (MAFC) officers and members serve as first visitor of the FITS Center-Badoc
Municipal Agriculture and Fisheries Council (MAFC) officers and members serve as first visitor of the FITS Center-Badoc

Bilang parte sa pagbubukas ng FITS Center, nagkaroon ng ribbon cutting at seremonyal na paggawad ng mga kagamitan, tulad ng laptop, printer, office supplies at mga iba’t ibang babasahin at mapapanood na materyales, upang masimulan na ang paghahatid at pagbabahagi ng serbisyo ng FITS Center sa nasabing bayan.

Ang FITS Center sa Badoc ay isa sa limang naitatag na mga FITS Centers sa iba’t ibang bayan sa rehiyon uno noong nakaraang taon at matatagpuan ang mga iba sa lalawigan ng Pangasinan, partikular sa bayan ng San Manuel, Lingayen, Pozorrubio at sa lungsod ng San Carlos. Samantala, dalawang FITS Kiosks naman ang naitatag sa lungsod ng Batac, Ilocos Norte at matatagpuan ang mga ito sa Mariano Marcos State University at sa Brgy. Magnuang.

article-seo
bad