Fermented Plant Juice

                

        
FPJ IEC

Download Link:

    

Ang FPJ o binurong katas ng halaman ay gawa sa mga dahon at talbos ng halaman gaya ng kakawati (madre de cacao), ipil-ipil, malunggay, puno ng saging, talbos ng kamote at iba pang mga halamang mabibilis lumago. Ito ay nakakatulong sa pagpapabilis ng paglaki at pagiging luntian o maberde ng halaman. Mainam kung ang gagamiting halaman ay mga legumbre dahil ito ay mayaman sa nitrohino. Ang FPJ ay maaring gamitin sa lahat ng yugto ng halaman at pwede ring ipainom sa mga alagang hayop.