Pag-aalaga ng Seaweeds (Tambalang o Guso)
Download Link: |
Pag-aalaga ng Seaweeds (Tambalang o Guso)Ang seaweed o mas kilala bilang tambalang o guso ay isang uri ng lamang-dagat. Isa ito sa mga pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mangingisda. Ang Zulo, Tawi-Tawi, Zamboanga, Palawan at Bohol ay mga pangunahing probinsiyang prodyuser ng seaweed. Sa kasalukuyan, pang-apat ang Pilipinas sa may pinakamataas na produksyon ng seaweeds sa buong mundo. Ang pagpapaunlad, paggamit at pamamahala ng seaweed ay isa sa mga pangunahing isinusulong ng gobyerno sa ilalim ng Agrikulturang Makamasa Program para sa pangisdaan ng Pilipinas. Ang seaweed ay isang nangungunang produkto mula sa dagat na inaasahang makapagpapataas ng ekonomiya ng Pilipinas. Isinalin sa Tagalog ni: Bb. Jayra V. Seraspi Agricultural Technologist Municipality of Corcuera Municipal Agriculture Office |